Martes, Disyembre 2, 2014

Tradisyon ng Islam: Mga Kondisyon sa Kasal

MGA KONDISYON SA KASAL




Ang pagpapakasal ay importante sa buhay ng muslim. Ito ay sinasabi na deklarasyon ng paniniwala sa Islam. Bilang muslim, dapat ay mabuhay sila aling sunod sa Islamic Jurisprudence tulad ng banal na Propeta na si Muhammad na nagpakasal rin at iniinganyo ang mga muslim na gayahin siya. Sinabi ng Propeta nila na si Muhammad: ang taong may kakayahan na magpakasal at ginawa ito ay isa sakanila pero ang taong may kakayahan pero hindi nagpakasal ay hindi tagasunod. Turo rin ng propeta na may tatlong bagay na dapat hindi ihuli. Ang mga ito ay tungkulin tulad ng pagdadasal, pagdadal sa lamay at ang pagpapakasal pag nahanap na ang kaniyang kabiyak. Ito ang mga turo at payo na dapat sunurin para masabi na isang totoong taga sunod ang isang tao. Sa Quran, ang bilin ni Allah ay magakasal at dahil ito ay nasa mahiwagang libro nila, ito ay isang obligation. 

Pero bakit ito kailangan sunurin?

Dahil ang pagpapakasal sa Islam ay nagpapabuo sa pagkatao dahil magiging responsable sila. Nagiging organisado ang kapaligiran ng isang tao dahil nagkakaroon sila ng landas na dapat sunurin. Masasabi mula dito na ang pagpapakasal ay nagaayos ng buhay. Ang kasal ay tumutulong rin na pangalagaan ang iman ng isang muslim dahil pag kinasal ang isang muslim, siya ay mapipigilan gumawa ng mga kasalanan na pakikihalubilo sa kabaliktarang kasarian at ang pagiging homosexual.

Mula sa mga nabangit masasabi natin, ang pagpapakasal sa Islam at Kristyano ay magkaiba. Ang mga Kristyano ay nagpapakasal dahil sa pag-ibig at naniniwala sila na si Hesus ay ang centro ng kanilang relasyon habang ang mga muslim naman ay nagpapakasal dahil ito ay aling sunod sa kanilang paniniwala at sa turo ng propetang Muhammad at ni Allah. Ito ay importante sa kanilang buhay bilang muslim.


Pero hindi lang basta basta ang pagpapakasal sa Islam. Mayroon itong mga kondisyon na dapat sunduin. Ang unang kondisyon ay ang pagsang-ayon ng lalaki at babae. Hindi sila dapat pilitn sa hindi nila iniibig o gusto. Ang pangalawang kondisyon ay ang pagkakaroon ng dalawang saksi na makatarungang lalaking Mislim o higit pa. Dapat sila ay mapagkakatiwalaan at maiwas sa mga malalaking kasalanan. Ang pangatlong kondisyon ay ang pagbigay ng Mahr. Ito ay ang regalo ng lalaki sa babae. Pwede ito maging salapi o hindi materyal na bagay tulad ng pagturo sa babae na magbasa ng Quran.


Bukod pa dito, may mga kailangan pa sunurin upang matuloy ang kasal. Dapat kasama ang legal na tagapangalaga ng babae na tinatawag nila bilang wakeel, kailangan ng nakasulat na kontrata ng kasal (aqd-nikah) na may pirma ng babae at lalaki. Dapat ay may saksi na matatanda habang pinipirmahan ito. Kailangan din ng hukom (Qadi) o Ma’zoon na tiga tupad ng seremonya at ang huling kailangan ay ang Khutba-tun-Nikah para ipagdiwang ang kasal. Ito ay isang sermon na binibigay ng Ma’zoon o Qadi.

Ang pagpapakasal sa Islam ay mahalaga dahil tinutupad nito ang turo ni Allah. Ang pangunahing layunin ng pagpapakasal ay para magkaroon sila ng kasama na pang habang buhay, para magmahalan, gumawa ng pamilyang sarili at para mabuhay ng mapayapa at katahimikan sa mg utos ni Allah. Ang pagpapakasal ay aling sunod sa Ibadah dahil ito ay ang pagsunod kay Allah at ang kanyang Propeta. Ito ay nagpapatunay na isang tiga-sunod ni Allah. Sa pamamagitan ng kasal, nasisigurado rin ang pagkatugma ng lalaki at babae. Ang kanilang hinaharap ay magiging maayos dahil sa mga kondisyon na inalahad at tinatama ng kasal ang kapaligiran nila, masasanay sila mabuhay sa piling ng isa’t isa na nagtutulungan. Ang kasal ay tumutulong din na protektahan ang imaan (paniniwala) nila dahil sa kasal, hindi na sila makakagawa ng mga kasalanan dahil magiging responsable na sila at pilit nilang susunurin ang turo ng Propeta at ni Allah.

Kaya nagkakaroon ng mga kondisyon sa pagpapakasal sa Islam ay dahil gusto nila masunod ang turo ni Allah. Ag pag-ibig na mabubuo ay isang banal na  regalo galling kay Allah. Ang kasal ay makakatulong para maprotektahan ang Imaan (pananampalataya) nila dahil naniniwala sila na ang pag-ibig na walang obligasyon sa relihiyon ay hindi totoo. Ang pagmamahalan na kinikilala ng Islam ay ang totoo at para ito ay maipahayag at mangibabaw, dapat ay maprotektahan ito ng batas ng Islam.




7 komento:

  1. Pwede ba silang magsama ng katoliko or kung may asawa yung katoliko tapus nagsama na sila nung babaeng muslim anung pwdeng mangyare?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi pwde sila magsama sa isang bubong dapat ikasal Muna sila bago magsama may batas Ang Islam Jan Kung gusto mo talaga malaman Ang tungkol Jan lumapit ka sa mga nakakaalam na kakapagbigay Sayo ng tunay na information tulad ng imam sa mosque or mga organisasyon ng Muslim tulad ng dawaa center, madrasa sa pilipinas.

      Burahin
    2. may I know who's the author?

      Burahin
  2. and maranaw at MAGUINDANAON ay mariha lang ng kultura sa pag kasal?

    TumugonBurahin
  3. may gusto PO akong malaman at itanong na Rin pwde ba mag pakasal Ang isang Afghanistan at Filipina?

    TumugonBurahin
  4. Pwede bang ikasal ng imam ang anak nya ? I mean ung tatay ng babae ay imam, valid ba nya itong ikasal? Kailangan pa bang iparehistro ang kasal sa NSO/PSA para maging valid ang kasal?

    TumugonBurahin
  5. Pwede bang ibalik ng lalaking Muslim ang asawa niyang babae kung ayaw na nya dito?

    TumugonBurahin