MGA KONDISYON SA KASAL
Ang pagpapakasal ay importante sa buhay ng
muslim. Ito ay sinasabi na deklarasyon ng paniniwala sa Islam. Bilang muslim,
dapat ay mabuhay sila aling sunod sa Islamic Jurisprudence tulad ng banal na
Propeta na si Muhammad na nagpakasal rin at iniinganyo ang mga muslim na
gayahin siya. Sinabi ng Propeta nila na si Muhammad: ang taong may kakayahan na
magpakasal at ginawa ito ay isa sakanila pero ang taong may kakayahan pero
hindi nagpakasal ay hindi tagasunod. Turo
rin ng propeta na may tatlong bagay na dapat hindi ihuli. Ang mga ito ay
tungkulin tulad ng pagdadasal, pagdadal sa lamay at ang pagpapakasal pag
nahanap na ang kaniyang kabiyak. Ito ang mga turo at payo na dapat sunurin para
masabi na isang totoong taga sunod ang isang tao. Sa Quran, ang bilin ni Allah
ay magakasal at dahil ito ay nasa mahiwagang libro nila, ito ay isang
obligation.
Pero bakit ito kailangan sunurin?
Dahil ang pagpapakasal sa Islam ay
nagpapabuo sa pagkatao dahil magiging responsable sila. Nagiging organisado ang
kapaligiran ng isang tao dahil nagkakaroon sila ng landas na dapat sunurin.
Masasabi mula dito na ang pagpapakasal ay nagaayos ng buhay. Ang kasal ay
tumutulong rin na pangalagaan ang iman ng isang muslim dahil pag kinasal ang
isang muslim, siya ay mapipigilan gumawa ng mga kasalanan na pakikihalubilo sa kabaliktarang
kasarian at ang pagiging homosexual.
Mula sa mga nabangit masasabi natin, ang
pagpapakasal sa Islam at Kristyano ay magkaiba. Ang mga Kristyano ay
nagpapakasal dahil sa pag-ibig at naniniwala sila na si Hesus ay ang centro ng
kanilang relasyon habang ang mga muslim naman ay nagpapakasal dahil ito ay
aling sunod sa kanilang paniniwala at sa turo ng propetang Muhammad at ni
Allah. Ito ay importante sa kanilang buhay bilang muslim.
Pero hindi lang basta basta ang pagpapakasal
sa Islam. Mayroon itong mga kondisyon na dapat sunduin. Ang unang kondisyon ay
ang pagsang-ayon ng lalaki at babae. Hindi sila dapat pilitn sa hindi nila
iniibig o gusto. Ang pangalawang kondisyon ay ang pagkakaroon ng dalawang saksi
na makatarungang lalaking Mislim o higit pa. Dapat sila ay mapagkakatiwalaan at
maiwas sa mga malalaking kasalanan. Ang pangatlong kondisyon ay ang pagbigay ng
Mahr. Ito ay ang regalo ng lalaki sa babae. Pwede ito maging salapi o hindi
materyal na bagay tulad ng pagturo sa babae na magbasa ng Quran.
Bukod pa dito, may mga kailangan pa sunurin
upang matuloy ang kasal. Dapat kasama ang legal na tagapangalaga ng babae na
tinatawag nila bilang wakeel, kailangan ng nakasulat na kontrata ng kasal
(aqd-nikah) na may pirma ng babae at lalaki. Dapat ay may saksi na matatanda
habang pinipirmahan ito. Kailangan din ng hukom (Qadi) o Ma’zoon na tiga tupad
ng seremonya at ang huling kailangan ay ang Khutba-tun-Nikah para ipagdiwang
ang kasal. Ito ay isang sermon na binibigay ng Ma’zoon o Qadi.
Ang pagpapakasal sa Islam ay mahalaga dahil
tinutupad nito ang turo ni Allah. Ang pangunahing layunin ng pagpapakasal ay
para magkaroon sila ng kasama na pang habang buhay, para magmahalan, gumawa ng
pamilyang sarili at para mabuhay ng mapayapa at katahimikan sa mg utos ni
Allah. Ang pagpapakasal ay aling sunod sa Ibadah dahil ito ay ang pagsunod kay
Allah at ang kanyang Propeta. Ito ay nagpapatunay na isang tiga-sunod ni Allah.
Sa pamamagitan ng kasal, nasisigurado rin ang pagkatugma ng lalaki at babae.
Ang kanilang hinaharap ay magiging maayos dahil sa mga kondisyon na inalahad at
tinatama ng kasal ang kapaligiran nila, masasanay sila mabuhay sa piling ng
isa’t isa na nagtutulungan. Ang kasal ay tumutulong din na protektahan ang
imaan (paniniwala) nila dahil sa kasal, hindi na sila makakagawa ng mga
kasalanan dahil magiging responsable na sila at pilit nilang susunurin ang turo
ng Propeta at ni Allah.
Kaya nagkakaroon ng mga kondisyon sa
pagpapakasal sa Islam ay dahil gusto nila masunod ang turo ni Allah. Ag
pag-ibig na mabubuo ay isang banal na
regalo galling kay Allah. Ang kasal ay makakatulong para maprotektahan
ang Imaan (pananampalataya) nila dahil naniniwala sila na ang pag-ibig na
walang obligasyon sa relihiyon ay hindi totoo. Ang pagmamahalan na kinikilala
ng Islam ay ang totoo at para ito ay maipahayag at mangibabaw, dapat ay
maprotektahan ito ng batas ng Islam.